TINGNAN: Pagsagip sa 2 lalaki sa rumaragasang baha

Harris Julio, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2019 10:17 AM

Dalawang lalaki ang nasagip mula sa rumaragasang baha sa Barangay Linao East, Tuguegarao City, Huwebes ng hapon.

 

Sa video ng aktuwal na pagsagip na kuha ni Larry Narag, makikita ang 2 lalaking nakakapit sa magkahiwalay na puno sa gitna ng mabilis na agos ng tubig na halos aabot na sa baywang.

Gumamit ng mahabang kawayan ang mga pulis na rumesponde sa kanila para kanilang pagkapitan.

Nasagip naman ang 2 lalaki ng walang aberya.

Kabilang ang Tuguegarao City sa mga inulan nitong linggo dahil sa Amihan at Bagyong Tisoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.