8 bahay nasunog sa Sta. Barbara, Iloilo

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2019 09:26 AM

Inaalam pa ng awtoridad kung ano ang pinagsimulan ng apoy na tumupok sa walong bahay sa Iloilo. Cherry Palma, ABS-CBN News

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Zone 6, Sta. Barbara, Iloilo, Huwebes ng hapon.

Ayon sa Fire Marshal ng Sta. Barbara Bureau of Fire Protection (BFP) na si Insp. Ronnie Malijan, 6 na bahay ang totally damaged at 2 iba pa ang partially damaged sa sunog.

Hindi pa nila matukoy kung ano ang pinagsimulan ng apoy.

Isang lalaki din na tumulong sa pag-apula ng apoy ang dinala sa ospital matapos sumama ang pakiramdam.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng BFP upang matukoy din halaga ng mga nasunog na ari-arian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.