Sunog sumiklab sa nire-renovate na Grand Boulevard Hotel sa Malate

Robert Mano, ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2019 11:48 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nasunog ang bahagi ng nire-renovate na Grand Boulevard Hotel sa Malate, Maynila nitong Huwebes ng umaga.

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali alas-9 ng umaga, ayon kay Senior Fire Officer 4 Victor Bag-it. Idineklara itong fire out alas-10:25 ng umaga.

Aniya, ni-report ng mga construction worker ang sunog matapos nilang gumamit ng acetylene sa pagre-renovate ng gusali.

Agad naman nakalabas ng gusali ang mga construction worker.

Patuloy na inaalam ang halaga ng pinsala ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.