Bata, patay sa sunog sa Bacolod City

Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2019 08:44 AM

Inaalam pa ng awtoridad kung anong naging sanhi ng sunog na ikinamatay ng isang limang taong gulang na bata sa Bacolod City.

Patay ang limang taong gulang na batang lalaki sa sunog na nangyari sa Purok Sigay, Barangay 2 sa Bacolod City, Huwebes ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, isang bahay ang totally destroyed at 3 iba pa ang partially damaged sa sunog.

Sabi ng BFP, nagsimula ang apoy sa bahay ni Belinda Cuadra, kung saan natagpuan din ang bangkay ng bata.

Nahirapan naman ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy dahil sa masikip ang daanan.

Tinatayang nasa P50,000 ang halaga ng pinsala na dulot ng sunog.

Kasalukuyang inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.