5 sugatan sa sunog sa pagawaan ng paputok sa Pangasinan

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2019 09:02 PM

DAGUPAN, Pangasinan - Lima ang nasugatan matapos masunog ang isang bahay na ginawang pagawaan ng paputok sa Barangay Caranglaan sa lungsod na ito Huwebes.

Kasama sa mga nasugatan ang isang 7-anyos na bata. 

Kwento ng pamilya na nakatira sa bahay, natutulog sila ng mahimbing nang masunog ang tirahan nila. Napilitan ang mga nag-rescue sa pamilya na gumamit ng ladder para makalabas ang mga ito sa bintana ng bahay.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa imbakan ng pulbura.

Napag-alaman na hindi rehistrado ang pagawaan ng paputok.

"Walang permit ito so hahanapin natin lahat itong mga pagawaan ng paputok dito sa Dagupan," ani Mayor Brian Lim.

Kamakailan lang, 17 na tindahan sa lungsod ang nasunog dahil sa palyadong linya ng kuryente.

- Ulat ni Noriel Padiernos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.