P2.7-B halaga ng 'shabu' na isinilid sa dog food packaging nasamsam

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2019 03:55 PM | Updated as of Nov 27 2019 06:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakumpsika nitong Miyerkoles ng mga awtoridad ang nasa P2.7 bilyon halaga ng hinihinalang shabu sa isang lalaking Chinese sa Makati City.

Sa isang apartment sa Barangay San Antonio hinuli ang suspek na si Liu Chao, na nakunan ng higit 400 kilo ng hinihinalang shabu na inilagay sa packaging ng dog food, ayon sa pulisya.

Inaresto ang suspek matapos umano itong makipagtransaksiyon sa pulis na nagpanggap na buyer.

Higit 2 linggo nang nagsasagawa ng surveillance operation ang mga pulis laban sa suspek, ayon kay Lt. Gen. Archie Gamboa, officer in charge ng Philippine National Police.

Inaalam na ngayon ng mga awtoridad ang pinanggalingan ng umano ay inangkat na shabu, ani Gamboa.

Nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings ang suspek.

-- Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News ​

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.