Asawa ng lalaking nabagsakan ng steel girder sa Skyway extension, naghihinagpis

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2020 06:50 PM | Updated as of Nov 21 2020 08:45 PM

Kinilala ang biktima na si Edison Paquibot na inanunsyong dead on arrival sa Alabang Medical Clinic sa Muntinlupa matapos ang aksidente. Larawan mula kay Wheng Hidalgo, ABS-CBN News

MAYNILA — Hindi mapatahan sa pag-iyak ang asawa ng isa sa mga biktima ng bumagsak na steel girder sa East Service Road sa Muntinlupa ngayong Sabado ng umaga nang datnang wala na itong buhay sa ospital.

Kinilala ang biktima na si Edison Paquibot na inanunsyong dead on arrival sa Alabang Medical Clinic sa Muntinlupa matapos ang aksidente.

Watch more in iWantTFC

Ang 42 anyos ay nabagsakan ng steel girder habang binabaybay niya sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng East Service Road pasado 9 a.m., Sabado.

Kaarawan na sana bukas, Linggo, ni Paquibot.

Ayon sa kaniyang kaanak na ayaw magpakilala, papasok na sana ang biktima sa kanyang trabaho bilang safety officer sa isang proyekto ng kanyang tiyuhin sa Bonifacio Global City nang maganap ang aksidente.

Kasama niya ang pamangkin na nasa kabila namang motorsiklo.

Pasado alas-4 na ng hapon dumating ang asawa at mga kaanak niya mula Bacoor sa Cavite.

Kinuha na ng Loreto Funeral Homes ang mga labi ng biktima.

Tumangging magbigay ng pahayag sa harap ng camera ang kaniyang asawa at mga kaanak. — Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.