Robredo, binantaang sisibakin sa ICAD kapag nagbulgar ng 'sikreto': Palasyo

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2019 04:44 PM | Updated as of Nov 17 2019 07:29 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Pinaalalahanan ng Malacañang si Vice President Leni Robredo na huwag magbulgar ng "classified information" habang co-chairperson ng inter-agency committee on anti-illegal drugs (ICAD).

Sa isang pahayag, nilinaw ng Palasyo ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbantang sisibakin si Robredo kapag naglabas ito ng sikreto ukol sa kampanya laban sa iligal na droga. 

"The President stated that disclosing classified information of the Philippine Government to foreign individuals and entities will cause the removal of the Vice President from her current post... Revealing State secrets to foreign individuals and entities as well as welcoming those who have trampled the country’s sovereignty would be damaging to the welfare of the Filipino people, not to mention that under Article 229 of the Revised Penal Code," ani Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Nagpaalala si Duterte matapos makipagpulong ni Robredo sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) at mga opisyal ng Estados Unidos.

Nagpahayag din si Robredo na bukas siyang paimbestigahan sa UN Human Rights Council (UNHRC) kung may pang-aabuso ba sa nangyayaring giyera kontra droga. 

"She may not realize it but she could be treading on dangerous grounds. It could be an overreach of the granted authority hence the reminder... Any appointment made by the appointing authority must be exercised strictly in accord with law and never diametrically opposed to the interest and security of the State," ani Panelo. 

Pero sabi ni Robredo, alam niya ang limitasyon ng mga puwede niyang ibulgar ukol sa war on drugs. 

"Tingin ko wala naman sila tinatago, alam ko naman 'yung hindi dapat sabihin sa media, pero hindi natin idi-divulge 'yung makakasama sa kampanya (kontra droga). Kung tinatago natin lahat, paano natin mapapanagot 'yung may katiwalian? Nasa function ko rin 'yun," sabi Robredo sa isang radio interview.

LENI VS PDEA?

Samantala, nagpatutsada naman si Robredo kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Dir. Gen. Aaron Aquino sa umano'y hindi nito pakikipagtulungan sa kaniya.

Si Robredo at Aquino ang co-chairs ng ICAD. 

Nitong linggo ay pribadong humingi si Robredo kay Aquino ng listahan ng mga tinuturing na high-value targets (HVT). 

Pero sa halip na kausapin siya, sa media umano sumagot si Aquino at sinabing wala siyang listahan.

"Paano ko gagampanan ang first function ko? Ensure arrest of HVT targets, paano ko mae-ensure na hindi ko nga alam... Wala na tayong time para magpaligsahan, 'yung mga willing mag-cooperate, dun tayo. Kung ayaw nila wala tayo magagawa," ani Robredo. 

"Pag hindi cooperative 'yung ahensiya, hindi ko na 'yun kasalanan. Despite the limitations and attempts na harangan, gagawin ko trabaho inatasan sakin," dagdag niya.  --May ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.