Pinaslang na radio broadcaster sa Dumaguete City, inilibing na

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2019 05:23 PM

Inilibing na ang pinaslang na radio broadcaster na si Dindo Generoso. Photo courtesy of Roy Ortega.

Inilibing noong Sabado ng hapon ang pinaslang na radio broadcaster na si Dindo Generoso sa Dumaguete City.

hustisya ang siyang sigaw ng pamilya at mga kaibigan ni Generoso habang inihahatid ito sa kaniyang huling hantungan.

Ang ilang mga kasamahan ni Generoso sa radyo sa lungsod ay sumama din sa kaniyang libing at nanawagan na wakasan na ang pamamaslang sa mga nagtatrabaho sa media.

Nobyembre 7 nang pinagbabaril ng riding-in-tandem si Generoso habang papunta ito sa kaniyang pinagtatrabahuhang radio station.

Nakasuhan na ang apat na mga salarin. Kasalukuyang nakakulong sa Dumaguete City Police Station sina Teddy Salaw at dating pulis na si Patrolman Glenn Corsame.

Sumuko na rin sa awtoridad noong Miyerkoles ang itinuturong gunman na si Patrolman Roger Rubio.

Patuloy naman ang paghahanap sa isa pang suspek na si Tomasino Aledro.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.