Waiter at nobyang buntis, kalaboso sa pagbebenta ng marijuana

Andoreena Causon, ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2019 10:20 AM

Nakuha mula sa mga suspek ang 10 pakete at isang bundle ng marijuana na nagkakahalaga ng P50,000. Larawan mula sa Tolomo Police

DAVAO CITY – Kalaboso ang isang lalaking waiter at kaniyang nobyang buntis matapos mahuling nagbebenta ng marijuana sa inuupahang apartment sa San Miguel Village sa Matina.

Hindi inakala ng mga suspek na operatiba na pala ang kanilang ka transaksyon. Narekober mula sa dalawa ang 10 pakete at isang bundle ng marijuana na nagkakahalaga ng P50,000.

Ayon sa Talomo Police, matagal na nilang minamanmanan ang mga suspek pero mailap ang mga ito. Hindi na nagpaunlak ng panayam ang dalawa.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.