2 umano'y fixer timbog sa Manila City Hall

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2019 06:54 PM

MAYNILA — Arestado sa Manila City Hall noong Miyerkoles ang 2 umanong fixer na nagtangkang manghingi ng P5,000 para sa pagproseso ng late birth certificate registration.

Kinilala ang mga suspek na sina Rosalinda Lagatierra, 60, at Catherine Corpuz, 42.

Nahuli sa entrapment ang 2 matapos magsumbong ng biktima sa Manila Police District-Special Mayor's Reaction Team (MPD-SMaRT). 

Ayon kay Manila Civil Registry Office (MCRO) chief Atty. Chris Tenorio, P240 lang ang singil nila sa late birth certificate registration at hindi P5,000.

"Tumigil na kayo. Ang mandato ng ating Punong Lungsod ay itigil ang lahat ng ilegal na transaksyon sa Manila City Hall," ani Atty. Tenorio.

Nahaharap ang 2 sa kasong robbery-extortion.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.