P700-K halaga ng shabu, nasabat sa Zamboanga

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 11:06 PM

Kuha ng Zamboanga City Police Office

ZAMBOANGA CITY - Aabot sa P700,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa Barangay Mampang sa Zamboanga City nitong Martes.

Ayon sa pulisya, mahigit 100 gramo ng kontrabando ang nasabat mula sa dalawang suspek.

Makakasuhan ng kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

- Ulat ni Jewel Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.