1 patay, 4 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2019 10:54 PM

MANILA - Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan ang tatlong iba pa kasunod ng isang karambola sa bayan ng Hagonoy sa Davao del Sur nitong Martes.

Kinilala ang nasawi na si Marlon Sardido Pacquiao.

Ayon kay Police MSgt. Joshua Aznar ng Hagonoy Police Station, bumabaybay ang motorcycle rider sa southbound ng highway sa Barangay Tulogan patungo ng General Santos City kasabay ang isang van.

Nasa northbound direction umano ang isang tricycle at paliko ito sa kaliwa nang mabangga ng humaharurot na van.

Dito din nahagip ng van ang sinusundang motorsiklo.

Sugatan ang driver ng tricycle at ng van at kasama nilang isinugod sa ospital ang 2 iba pang nakasakay sa van.

- Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.