SUV sumalpok sa concrete barrier sa EDSA

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2019 05:15 AM

Tumagilid ang SUV nang bumangga ito sa mga concrete barrier sa EDSA-P. Tuazon Ave., Quezon City. Lyza Aquino, ABS-CBN News

MAYNILA—Sumalpok ang isang sports utility vehicle (SUV) sa concrete barrier sa EDSA corner P. Tuazon Ave., Quezon City Miyerkoles ng madaling-araw.

Nagtamo ng mga gasgas sa braso ang drayber na kinilalang si Jefferson Chua.

Kuwento ng drayber, galing siya ng Makati City at pauwi na sana nang bumangga ang minamanehong SUV sa hilera ng mga concrete barrier.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumagilid ang sasakyan at humambalang sa gitnang lane.

Giit ng drayber, hindi niya napansin ang mga barrier dahil madilim umano sa bahaging ito ng kalsada. Hindi naman nasugatan ang 2 babaeng kasamahan ni Chua.

Mahigit 1 oras bago nahila paalis ang sasakyan na pansamantalang dinala sa Quezon City Traffic Sector 4.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.