Dumadalaw sa Loyola Memorial Park sa Marikina, ‘di na pinayagang makapasok

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2020 09:47 AM | Updated as of Oct 29 2020 10:12 AM

People make an early visit at the Barangka Public Cemetery in Marikina City on October 17, 2020. The cemetery shall be closed starting on October 29 up until November 4 along with other public and private cemeteries in the country as precaution against the spread of COVID19. George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA - May mangilan-ngilang tao pa rin ang humahabol at nakikiusap na papasukin sila sa Loyola Memorial Park sa Marikina para mabisita ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ngayong Huwebes, Oktubre 29 ang unang araw ng pagpapasara sa lahat ng sementeryo at kolumbaryo sa kalakhang Maynila bilang hakbang para hindi dumagsa ang mga tao sa Undas ngayong panahon din ng COVID-19 pandemic.

Watch more in iWantTFC

Sa kabila ng pakiusap, hindi na pinayagan pa ang mga tao na makapasok sa loob.

Mananatiling sarado ang mga sementeryo sa kalakhang Maynila hanggang Nobyembre 4.

Dismayado naman ang mag-asawang sina Annie at Richard Katabona dahil galing pa sila sa bayan ng Teresa sa Rizal para makabisita sa mga yumaong mahal sa buhay bago pumasok sa trabaho.

“Ida-drop by lang kasi may pasok din kaso bawal na pala. Ang alam namin hanggang 5:30 ganun,” sabi ni Annie.

Watch more in iWantTFC

Bumili pa sila ng mga bulaklak at mano-manong binuo para iwan sana sa puntod ng mahal sa buhay pero kahit pakisuyo lang ay di na pumayag ang mga security personnel ng sementeryo.

Nanghihinayang rin ang isa sa mga bumisita na si Bong Santos dahil nga gumastos na siya sa mga bulaklak at mga kandila na ititirik sana niya sa puntod ng mga magulang pero hanggang ngayong walang pinapasok sa sementeryo maliban sa mga empleyado nito.

“Dadalawin ko nanay at tatay ko, titirikan ko sana ng kandila at lalagyan ng bulaklak. Bawal na raw,” sabi ni Santos.