Lalaki patay sa pananaksak ng kaanak sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2019 09:54 AM | Updated as of Oct 27 2019 06:25 PM

Patay ang isang 53-anyos na lalaki nang saksakin ng kaniyang kamag-anak matapos mag-inuman sa bayan ng Janiuay, Iloilo nitong Linggo ng madaling araw.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakabaon pa sa tagiliran ng 53 anyos na si Enrique Ganancial ang isang patalim nang madatnan ng pulisya.

Kinilala ang suspek na si Leo Paisahe, 54, at pinsan ng asawa ng biktima.

Ayon sa mga anak ng biktima, napikon ang suspek nang magsimulang mag-ingay ang biktima dahil sa kalasingan.

Natutulog na umano ang suspek nang magwala ang lasing na biktima at naghahamon ng away.

Humingi rin ng tulong ang suspek sa kaniyang mga kaanak matapos masugatan nang magkapalitan ng saksak.

Pero hindi na naabutan ng mga kaanak at pulis ang suspek na pinaniniwalaang tumakas.

-- Ulat ni Nony Basco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.