Motorcycle rider patay nang sumalpok sa truck sa Bataan

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2020 10:59 AM

Patay ang isang motorcycle rider sa Mariveles, Bataan matapos bumangga sa isang nakaparadang truck noong Oktubre 25, 2020. Retrato mula kay James Hora

Patay ang isang lalaking nagmamaneho ng motorsiklo matapos bumangga sa isang nakaparadang truck sa Mariveles, Bataan noong gabi ng Linggo.

Ayon sa mga pulis, binabaybay ni Jaymar Soro Soro ang national road sa Barangay Alas-Asin bandang alas-10 ng gabi habang kasagsagan ng ulan.

Sumalpok ang motorsiklo sa likod ng nakaparadang boom truck, at pumailalim ang motorsiklo sa truck kaya naipit ang biktima, sabi ng mga pulis.

Posible umanong nakainom ang motorcycle rider dahil amoy alak ito.

Sinubukang itakbo sa ospital ang biktima pero malubha umano ang mga tinamo nitong injury, na agad niyang ikinamatay.

Nagpaala ang mga awtoridad sa mga motorista na maghinay-hinay sa pagmamaneho lalo tuwing maulan ang panahon.

Related video:

Watch more in iWantTFC

-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.