Inaakusahang 'serial rapist' timbog sa Mandaue City

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2017 03:58 PM

Arestado ang isang inaakusahang serial rapist sa Barangay Canduman, Mandaue City ngayong Huwebes.

Nahuli si Riel Ceniza, 37, sa isang checkpoint bandang ala-1:45 ng madaling araw.

Ayon kay Senior Supt. Roberto Alanas, hepe ng Mandaue, nagpapanggap na habal-habal driver ang suspek para makapambiktima.

Kadalasan aniya ay 18 hanggang 25 anyos ang mga biktima ni Ceniza.

Limang biktima ang lumutang sa pulisya para positibong tukuyin ang suspek na pinabulaanan naman ang mga paratang.

Narekober mula sa suspek ang isang pistol, dalawang live ammunition, maskara, helmet, mga ID, at motorsiklo.

--ulat ni Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.