COVID-19 cases sa Pilipinas higit 370,000 na

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2020 04:57 PM | Updated as of Oct 25 2020 06:42 PM

Papunta ang mga commuter sa isang bus loading at unloading area sa Agham Road, Quezon City noong Oktubre 15, 2020. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA — Umabot na sa 370,028 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, base sa tala ngayong Linggo ng Department of Health.

Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng 2,223 bagong kaso ng COVID-19, pinakamarami ay sa Quezon City na 112, na sinundan ng Laguna na may 111 bagong kaso.

Watch more in iWantTFC

Sa ilalim naman ng Oplan Recovery, nakapagtala ang Health Department ng 14,944 bagong gumaling sa COVID-19 para sa 328,036 total recoveries.

Umabot naman sa 6,977 ang death toll matapos maiulat ang 43 bagong pagkamatay.

Dahil sa mga paggaling at pagkamatay, 35,015 ang active cases o iyong mga hindi pa gumagaling sa sakit.

Sa active cases, 82 porsiyento ang nakararanas ng mild na COVID-19, 11.3 porsiyento ang asymptomatic o walang pinapakitang sintomas, 4.2 porsiyento ang critical, habang 2.4 porsiyento ang severe.

Watch more in iWantTFC

Sa buong mundo, 42.6 milyon tao na ang nahahawahan ng COVID-19, base sa tala ng Johns Hopkins Coronavirus Resource Center.

Ang United States ang may pinakamaraming kaso sa buong mundo, na nasa 8.5 milyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.