6 bahay sa Quiapo natupok

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2020 05:45 AM

MAYNILA - Umabot sa anim na bahay ang naabo sa Pasaje del Carmen sa Quiapo, Maynila nitong Biyernes ng gabi. 

Mabilis na kumalat ang apoy dahil yari sa kahoy ang mga bahay na nasunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang sunog dakong 7:38 ng gabi, umabot sa ikalawang alarma, at naging kontrolado dakong 8:37 ng gabi. 

Isa sa mga iniimbestigahan nilang sanhi nito ay octopus-wiring. 

Sa kasagsagan ng sunog, dalawang residente naman ang nagtamo ng minor injury habang inaapula ang apoy. Nilapatan na ng paunang lunas ang mga tinamo nilang paso at sugat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.