Halos P7-M halaga ng shabu, nasabat sa Pasay; 2 tiklo

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2019 01:32 AM

MAYNILA—Halos P7 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa dalawang suspek sa buy-bust operation sa Roxas Boulevard sa Pasay City Miyerkoles.

Ayon kay Levi Ortiz, direktor ng special enforcement service sa PDEA, nasa P6,800,000 ang halaga ng nasabat nilang kontrabando na may bigat na isang kilo.

Ayon sa mga inarestong suspek, kinagat lang nila ang alok sa kanila na P20,000 kapag nai-deliver nila ang isang bag, kung saan nakalagay ang mga ilegal na droga.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampang kaso laban sa mga suspek.

Tiyak umano si Ortiz sa pagkakakilanlan ng lalaking target sa operasyon at isasama rin siya sa sasampahan ng kaso kahit nakakalaya pa. —Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.