Umano'y leader, 5 iba pa ng mga pumuga sa Caloocan, hawak na muli ng pulisya

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2020 05:34 AM | Updated as of Oct 23 2020 06:15 AM

MAYNILA - Hawak na muli ng pulisya ang itinuturong leader ng mga pugante at lima pa sa mga tumakas sa Caloocan custodial facility Huwebes ng madaling araw.

Watch more in iWantTFC

Batay sa pinakahuling impormasyon mula kay Police Col. Dario Menor, hepe ng Caloocan PNP, nahuli nila sa manhunt operation ang mga sumusunod na pugante:

  • Arnel Buccat (leader) 
  • Reymark Delos Reyes
  • Harris Danacao
  • Mark Oliver Gamuta
  • Aldwin Jhoe Espila
  • Reynaldo Bantiling

Pinaghahanap pa rin nila ang pitong natitirang pugante:

  • Norberto Alvarez
  • Hudson Jeng
  • Martin Mama
  • Jovel Toledo jr
  • Gerrymar Petilla
  • Justine Tejeros
  • Raymond Balasa

Ayon sa pulisya, Lunes pa umano pinagpaplanuhan ng grupo ni Buccat ang pagtakas sa kulungan. Dahan dahan nilang sinisira ang isang bahagi ng pader sa may palikuran ng kulungan hanggang sa nakatakas sila.

Sa ngayon ay sinibak na rin sa puwesto ang dalawang pulis na nakatalaga sa nasabing temporary facility.

Ayon kay NCR Police Chief Debold Sinas, ipinagutos na niya sa mga hepe ng iba't ibang distrito na inspeksyuning mabuti ang kanilang mga detention facilities upang masigurong hindi na maulit ang ganitong insidente.

Nananawagan rin siya sa mga kaanak ng iba pang pinaghahanap na pugante na makipagtulungan sa kanila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.