Delivery service rider patay sa aksidente sa Caloocan

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2020 05:51 AM | Updated as of Oct 23 2020 06:26 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Patay ang isang delivery service rider matapos siya pumailalim at ang kaniyang minamanehong motor sa isang truck malapit sa Pangarap Village, Caloocan Huwebes ng gabi.

Sa imbestigasiyon, nakitang bumangga sa gilid ng truck ang delivery motorsiklo ng rider kaya nagulungan.

Kwento ng driver ng truck, nabigla na lang siya na may tumumba sa gilid ng kaniyang truck. Hindii umano niya ito agad napansin.

Hawak ng mga awtoridad ang driver ng truck.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.