Umano'y supplier ng pampasabog sa pangingisda, arestado sa Laoag

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2019 04:21 AM

Nakumpiska sa isang mangingisda ang 3 bote ng hinihinalang pampasabog sa Laoag, Ilocos Norte. Dianne Dy, ABS-CBN News

ILOCOS NORTE—Arestado sa Laoag, Ilocos Norte nitong Lunes ang isang lalaki na umano'y supplier ng pampasabog sa pangingisda.

Nakuhanan ang mangingisdang si alyas Ron ng 3 bote ng hinihinalang pampasabog.

Ayon sa pulisya, itinuro si Ron ng mga nahuling mangingisda na source ng pampasabog.

Itinanggi naman ito ng suspek. "Wala akong alam diyan," aniya.

Mahaharap siya sa kasong paglabag Republic Act 10654 o Philippine Fisheries Code of 1998.—Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.