P1.1-M halaga ng 'shabu' nasamsam sa lalaki sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2019 11:31 AM | Updated as of Oct 22 2019 12:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

DAVAO CITY - Nasabat ang P1.1 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaki matapos maharang sa isang checkpoint sa lungsod na ito, Lunes ng hapon.

Aabot sa 69 gramo ang drogang nakuha mula kay alyas Ben, 37, na nagmula pa ng Cotabato.

Nang mahinto sa checkpoint, itinapon ng suspek ang dalang paper bag pero napansin ito ng awtoridad at tumambad ang mga sachet ng droga nang suriin.

Aminado ang suspek na shabu ang kaniyang dala at ibibigay niya sana ito sa kaniyang katransaksyon sa Davao.

Dagdag niya, unang pagkakataon niyang magpuslit ng droga sa lungsod.

Ayon sa pulis, nagkagulo pa sa lugar dahil nagpumilit tumakas ang suspek. 

--Ulat ni Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.