Higit sa 30 pamilyang nakatira sa hazard zone sa Payatas, pinalilikas

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2020 09:33 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Pinapalikas na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang higit 30 pamilyang nakatira sa bangin sa Sampaguita Extension sa Barangay Payatas.

Ito ay matapos na ideklara ng lungsod na hazard zone ang lugar lalo na ngayong tag-ulan.

Noong Oktubre 15, isang bahay ang gumuho sa lugar dahil sa pagguho rin ng lupa at mga basura.

Nakalabas naman sa loob ng bahay ang mga nakatira doon at ngayon ay tumutuloy sa multipurpose hall ng barangay.

Marami sa mga apektadong pamilya ang tutol sa paglikas. Kuwento nila, marami sa kanila ay ilang dekada nang nakatira sa lugar.

Malaki rin ang kailangang gastusin sa paglilipatan sa kanilang lugar.

Patuloy naman ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office sa paghikayat sa mga residente na makipagtulungan para na din sa kanilang kaligtasan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.