Army reservist patay sa pamamaril sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2020 01:20 PM

Patay ang isang 70 anyos na Army reservist matapos pagbabarilin sa Bagong Silang, Caloocan City noong Oktubre 20, 2020. Larawan mula kay Renz Pedroche

MAYNILA— Patay ang isang 70-taong gulang na lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa kaniyang tindahan sa Bagong Silang, Caloocan City noong Martes, ayon sa pulisya.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang si Alfredo Orpeza, na isa ring reservist ng Armed Forces of the Philippines.

Biglang huminto ang riding-in-tandem sa harap ng tindahan ni Orpeza saka siya pinaputukan ng gunman, base sa imbestigasyon.

Nakatakas umano ang mga salarin pagkatapos barilin ang biktima.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente at inaalam ang motibo sa pagpatay. — Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.