3 patay, 17 sugatan sa salpukan ng 3 sasakyan sa Compostela Valley

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2019 06:07 PM

Lahat ng mga namatay ay sakay ng multicab na nasalpok ng sasakyan

Tatlong katao ang patay habang 17 naman ang sugatan sa banggaan ng tatlong sasakyan sa Maco, Compostela Valley nitong Lunes. 

Kabilang sa mga sasakyang naaksidente ang isang pickup, isang Toyota Innova, at isang pampasaherong multicab.

Ayon kay Police Capt. Woody Sabdani, hepe ng Maco Police, bigla umanong nag-overtake ang Innova sa pick-up, dahilan para sumalpok ang pick-up sa multicab na nasa kabilang lane ng kalsada. 

"Biglang nag-overtake sa outer portion itong Innova, at nang pumasok siya ulit, doon siya nabangga papunta doon sa multicab na tumatakbo sa kabilang kalsada, kaya bumangga din ang Innova doon," ani Sabdani.

Namatay sa insidente ang driver ng multicab na si Alberto Cambal. maging ang mga pasahero na sina Bern Gestapa, Zaida Rongco. 

Kritikal naman ang apat sa nasugatan sa insidente. 

-- Ulat ni Cheche Diabordo, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.