Pag-apaw ng mga ilog sa Isabela dahil sa bagyong Pepito, pinangangambahan

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2020 09:49 PM

Unti-unti nang umaangat ang lebel ng mga ilog sa lalawigan ng Isabela bunsod ng pag-uulan na dala ng bagyong Pepito.

Sa Cauayan City, pinangangambahan na muling masapawan ng ilog ang Alicaocao Overflow Bridge na nagdurugtong sa ilang liblib na barangay.

 

Nitong Martes alas-4 ng hapon ay umabot na ang water level ng Cagayan River sa 38 meters.

Pinagpaplanuhan nang pansamantalang isara ang tulay para sa kaligtasan ng mga residente.

Sa Ilagan City, sarado na ang Baculud Bridge matapos na umapaw ang ilog.--Ulat ni Harris Julio

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.