Dating sundalo patay sa pamamaril sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2020 01:12 PM

Patay ang isang dating sundalo matapos pagbabarilin sa MacArthur, Leyte noong Oktubre 19, 2020. Retrato mula kay Carlo Sarino

Patay ang isang dating sundalo habang sugatan ang isang babae sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa bayan ng MacArthur, Leyte noong hapon ng Lunes.

Sa ulat ng Eastern Visayas police, kinilala ang nasawi bilang si Antony Lou Bogal, residente ng Javier, Leyte.

Nagmamaneho si Bogal ng tricycle sa may Barangay Palale I, MacArthur bandang alas-2:10 ng hapon nang pagbabarilin ng salaring lulan ng sasakyan, base sa imbestigasyon ng mga awtoridad.

Nasugatan naman sa ulo ang isang Pelina Garcia, 56, na nagbibisikleta sa lugar nang umatake ang mga salarin. Nananatili siya sa pagamutan.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. -- Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.