Barangay chairman patay sa pananaga umano ng kagawad sa Bataan

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2020 06:13 AM | Updated as of Oct 20 2020 07:02 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Nauwi sa trahedya ang alitan ng isang barangay chairman at ng isang barangay kagawad sa Brgy. Ibis, Bagac, Bataan nitong Lunes.

Ayon sa isang barangay official na si Reynaldo Nuguid, rumesponde ang barangay chairman na si Danny Panganiban sa isang insidente sa motorsiklo nang bigla na lang sumulpot ang suspek na si si Eduardo Panganiban at tinaga ang biktima.

Itinakbo pa sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay dahil sa tindi ng tama ng patalim sa kaniyang ulo.

Matagal na umanong may alitan ang dalawang opisyal ng barangay na magpinsan pa. May hinanakit ang kagawad, ayon sa mga kaanak dahil sa pulitika.

Kwento nila, hindi niya matalo-talo ang chairmain tuwing halalan dahilan para sumama ang loob ng suspek.

Arestado ang kagawad na nasa kustodiya na ng Bagac PNP.

Kasong pagpatay ang isasampa laban sa kaniya.--Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.