2 lalaki sugatan matapos bumaliktad ang kanilang sasakyan sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2020 06:09 AM | Updated as of Oct 20 2020 07:01 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Sugatan ang dalawang lalaki matapos bumaliktad ang kanilang kotse sa IBP Road, Quezon City Martes ng hatinggabi.

Ayon kay Ruel Dela Rosa, kagawad ng Brgy. Batasan Hills, pasado ala 1 ng umaga nang mabangga ng kotse ng mga sugatan ang bahagi ng center island sa nasabing kalsada.

Sa lakas ng pagkakabangga ay bumaliktad ang kotse, nasira ang harapang bahagi ng kotse at nabasag ang windshield.

Accident prone area aniya ang lugar na ito pero isa ito sa mga malalang accident sa lugar. 

May ilang mga nakakita rin na pulis na nagsabi na mabilis ang takbo ng sasakyan at posible nakainom ang dalawa.

Ilang minuto ring naipit ang dalawa sa loob ng kotse bago sila nahatak paalis ng mga rescuer.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang mga lalaki habang naalis na rin ang nakahambalang sasakyan sa kalsada.

Paalala ng mga awtoridad, ,aging maingat at alerto sa pagmamaneho upang maiwasan ang anumang disgrasya sa kalsada.--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.