Aabot sa P600 milyong halaga ng shabu, nasabat sa Samar; 6 tiklo

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2019 10:44 PM

Aabot sa P600 milyong halaga ng shabu ang nakompiska sa bayan ng Gandara, Samar nitong Biyernes, Oktubre 18, 2019.

Aabot sa P600 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa isang checkpoint sa bayan ng Gandara, Samar, nitong Biyernes.

Halos 89 kilos ng nasabing kontrabando ang nakompisa sa Barangay Bunagan.

Anim na suspek, kabilang ang isang buntis at isang menor de edad, ang timbog.

Naiulat na galing Cavite ang shabu at dadalhin sana sa Cebu.

Nag-ugat ang pagkasabat sa ilegal na droga matapos maunang matagpuan sa karagatan ng Biri sa Northern Samar ang kaparehas na kontrabando.

Ayon sa isa sa mga suspek, pangatlong beses na nila itong biyahe at napag-utusan lamang sila na dalhin ito.

Hindi rin daw nila alam kung sino ang may-ari nito dahil sa cellphone lang sila inuutusan kung saan makukuha ang kontrabando.

Isasailalim naman sa drug test ang mga suspek at inihahanda na rin ang kaso laban sa mga ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.