3 sugatan sa pagsalpok ng SUV sa abandonadong opisina sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2019 09:48 AM

MAYNILA - Sugatan ang 3 katao matapos araruhin ng isang SUV ang mga nakaparadang motorsiklo at isang abandonadong opisina sa Maynila nitong Huwebes ng madaling araw.

Itinakbo sa pinakamalapit sa ospital ang mga biktimang magpinsan na nakatambay lamang sa harap ng gusali.

Wasak ang harap ng SUV, ang gate at bakod ng opisina. Nadaganan din ang metro ng Maynilad kaya tumagas ang tubig sa Barangay 719.

Ayon kay barangay tanod Lawrence Nabua, amoy alak ang babaeng driver ng SUV at kasama nitong lalaki.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

--Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.