2 patay sa buy-bust operation

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2018 09:14 AM

Pino-proseso na ng awtoridad ang crime scene kung saan napatay matapos makipagbarilan ang 2 hinihinalang drug suspects sa Talisay City. Jude Torres, ABS-CBN News

TALISAY CITY – Dead on the spot ang 2 lalaki matapos na manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Roque, Lunes ng gabi.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang minamanmanan ang 2 drug personalities na napatay na sina Edwardo Piloto at Arol Fernandez.

Bukod sa droga, sangkot din sa pagnanakaw at panghoholdap sa lugar ang mga suspek.

Dalawang baril din ang narekober ng awtoridad mula sa kanila.

Isasailalim din ng pulisya sa ballistic examination ang mga narekober na mga baril matapos silang makatanggap ng impormasyon na gun-for-hire ang mga napatay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.