Online seller, kasamahan nahulihan ng P3.4-M halaga ng shabu sa Pasig

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2020 10:43 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Tinatayang nasa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng awtoridad mula sa dalawang suspek, kabilang ang isang online seller, sa isinagawang buy-bust operation, Miyerkoles ng gabi sa Pasig City.

Nahuli ang mga suspek sa operasyong ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region sa C. Raymundo Avenue sa Barangay Rosario.

Nasa kustodiya na ng PDEA ang dalawang suspek.