Magnitude 5.3 na lindol niyanig ang Bayabas, Surigao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2020 09:36 AM

MAYNILA - Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Bayabas, Surigao del Sur, Huwebes ng umaga.

Sa rekord ng Phivolcs, tumama ang lindol pasado alas-6 ng umaga at naitala ang episentro na nasa 63 kilometers northeast ng Bayabas.

Tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 16 kilometers.

Nakapagtala naman ng instrumental intensity 1 sa Surigao City.

Naramdaman din ang pagyanig sa Butuan City.

Walang naiulat na pinsala dulot ng pagyanig pero inaasahan ang aftershocks.