Presyo ng gasolina, kerosene may paggalaw sa susunod na linggo

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2020 05:04 PM

MAYNILA - Magkakaroon ng dagdag-presyo sa gasolina at kerosene sa susunod na Linggo, habang nakapirmi naman ang presyo ng kada litro ng diesel ayon sa mga taga-industriya.

Tinatayang dagdag sa presyo ng petrolyo:
• Gasolina → P0.15 - P0.25/litro
• Kerosene → P0.40 - P0.50/litro 
• Diesel → walang paggalaw

Batay sa tantiya ng mga taga-industriya, maglalaro sa P0.15 hanggang P0.25 kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina. 

Ang kerosene naman, may dagdag-presyo na P0.40 hanggang P0.50 kada litro. 

Samantala, wala namang paggalaw sa presyo ng diesel sa susunod na linggo. 

Ito ang ika-2 sunod na linggong may dagdag-presyo sa gasolina at kerosene. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.