U-turn slot sa may MRT North Avenue isasara mula Setyembre 28

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2020 12:48 PM | Updated as of Sep 25 2020 09:05 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA— Simula Setyembre 28 ay isasara na ang U-turn slot malapit sa MRT North Avenue Station sa Quezon City, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority. 

Isa ito sa 13 U-turn slots na isasara sa kahabaan ng EDSA bago mag-Pasko. Paliwanag ng MMDA, ito ay para mas mapabilis ang biyahe ng mga bus na dumaraan sa innermost lane ng EDSA. 

Naglatag na rin ng mga signage ang MMDA sa magkabilang lane ng U-turn slot malapit sa MRT North Avenue Station. 

Ayon kay MMDA EDSA traffic chief Bong Nebrija, mas mapapabilis din nito ang biyahe ng mga motorista dahil maiiwasan na ang pagkabuhol-buhol ng mga sasakyan kapag humahaba na ang pila sa mga U-turn slot. 

Maaaring dumaan ang mga motorista sa alternatibong ruta sa Quezon Avenue Service Road U-turn slot. 

Humingi rin ng pang-unawa ang MMDA sa mga apektadong motorista. 

— Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.