Higit P1.3-M halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2020 05:51 AM

MAYNILA - Nasabat ang higit P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa 5 drug suspek sa isang buy-bust operation sa Makati City nitong Huwebes.

Ayon sa pulisya, hinuli nila agad ang mga suspek matapos ang buy-bust pero nakatakas ang isa sa mga suspek na si "Arman", kaya 4 lang ang naaresto.

Nakuha mula sa grupo ang tatlong plastic sachet na puno ng shabu, na may timbang na 202 gramo at nagkakahalaga ng P1,337,600. 

Nakakulong na sa detention facility ng Makati City Police ang mga nahuling suspek habang patuloy na hinahanap ang nakatakas .

Kakasuhan ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.--Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.