Magsasaka, huli sa pagtutulak ng shabu sa Dapitan City

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2019 11:48 PM

Arestado ang isang magsasaka dahil sa pagtutulak ng iligal na droga sa loob ng kanyang bahay sa Dapitan City. Kuha ng Dapitan City Police

DAPITAN — Timbog ang isang magsasaka dahil sa pagtutulak umano ng shabu sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Hilltop, Dapitan City nitong Lunes.

Kinilala ang suspek na si Jonathan Jamarolin, 54. 

Ayon sa imbestigador na si Police SSgt. Roland Decipulo ng Dapitan City Police Station, isa sa bagsakan ng droga si Jamarolin ng minamanmanan nilang drug personality na dayo sa lungsod.

“Sideline ito ni Jamarolin. ‘Yung lahat ng mga bumibili sa kanya, dahil sa layo ng kanyang mga kapitbahay doon na rin gumagamit saka bababa,” ani Decipulo.

Pang-17 na sa mga naaresto si Jamarolin sa lungsod mula Enero nitong taon na nakasuhan ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.