Van bumangga sa concrete barrier sa Quezon City

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2020 05:33 AM

MAYNILA - Nayupi ang harapang bahagi ng isang van matapos sumalpok ito sa ilang concrete barrier sa southbound lane ng EDSA-North Avenue sa Quezon City nitong Lunes ng gabi.

Natumba ang dalawang concrete barrier habang nabasag ang windshield ng sasakyan.

Nakaligtas naman ang driver.

Kwento niya, may biglang nag-cut sa kanyang truck kaya niya nabangga ang mga barrier. Pauwi na raw siya ng Pasig matapos magdeliver ng lechong manok sa Bulacan.

Nagdulot ng bahagyang traffic ang aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.