Motorcycle rider patay matapos masagasaan ng truck sa Malabon

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2020 05:29 AM

MAYNILA - Namatay ang isang lalaking motorcycle rider habang sugatan naman ang kanyang angkas matapos sila bumangga sa isang truck sa Brgy. Panghulo, Malabon nitong Lunes ng gabi.

Nangyari ang aksidente bandang alas 7 ng gabi sa kahabaan ng MH Del Pilar St. Ayon sa isang testigo, papunta sana sa Sangandaan ang driver nang biglang sumabit ito sa gilid ng isang 10-wheeler truck.

Ayon sa mga ilan pang nakakita, sinubukan ng rider na mag-overtake pero madulas ang kalsada noon. Pumailalim ang rider at nasagasaan ng truck na agad nitong ikinamatay.

Taga Brgy. Tugatog, Malabon umano ang biktima at sinundo niya ang kasamang babae. Itinanggi ng kasama na lasing o inaantok ang rider.

Ongoing ang imbestigasyon sa insidente.

Nasa kustodiya ngayon ang driver ng 10-wheeler at na-impound din ang truck.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.