Gurong nagpositibo sa COVID-19 sa Albay, sa bangka ibiniyahe papuntang ospital

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2020 12:16 PM | Updated as of Sep 19 2020 01:28 PM

 Sa motorized bangka ibiniyahe ang gurong nagpositibo sa COVID-19 mula sa Rapu-Rapu, Albay patungong Legazpi City. Larawan mula kay Eric dela Cruz

Isang guro na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 ang ibiniyahe sakay ang isang motorized bangka sa halip na sa sea ambulance na ibinigay ng Department of Health para dalhin sa isang ospital sa Legazpi City mula sa bayan ng Rapu-Rapu sa Albay.

Tumangging magbigay ng pahayag si Mayor Ronald Galicia kaugnay dito. 

Pero sa kaniyang panayam sa isang radio station, sinabi niyang mahigit P10,000 ang magagastos na konsumo sa gasolina sa isang biyahe lang kaya bihira nila gamitin ang sea ambulance. 

Sinusubukan pang kunan ng pahayag ang DOH-Bicol kaugnay nito.

Noong nakaraang araw, hindi rin nadala agad sa ospital sa Legazpi ang nurse na nagpositibo sa COVID-19 sa bayan matapos makaranas ng diskriminasyon. 

Wala kasing gustong bangkero na bumiyahe dahil sa takot na mahawahan.