PNP chief kumambiyo: Sinas hindi na raw puwedeng ma-promote

Raffy Santos, ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2020 08:52 PM | Updated as of Sep 18 2020 09:56 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Nilinaw ni Philippine National Police (PNO) chief Camilo Cascolan na hindi na maaring tumaas ang ranggo ng kontrobersiyal na National Capital Region Police Office (NCRPO) director na si Debold Sinas. 

Ito'y matapos siyang batikusin sa sinabi niyang balak na i-promote si Sinas, na nag-viral sa kasagsagan ng lockdown dahil nag-party o mañanita pa ito at sa tingin ng iba ay lumabag sa health protocols. 

"Of course the guy deserves also an evaluation and of course a promotion too. He has done good things and that is all I can really say... I think he needs to be up to a directorial staff or a certain position that is fit most especially for him. I believe he is an expert for training of personnel and recruitment," ani Cascolan. 

Pero biglang kambiyo si Cascolan nitong Biyernes. 

Hindi na raw maaaring umakyat si Sinas sa susunod na mataas na ranggo dahil kulang na siya sa panahon para makuha ang kanyang third star. 

"Dalawa po kasi ang klase ng promotion, promotion sa position at promotion sa rank. Hindi na nga po talaga puwede mag-promote sa 3 star," aniya.

Nauna nang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi na puwedeng tumaas ang ranggo ni Sinas.
    
Sa ngayon kasi, puno na ang lahat ng three-star positions ng PNP at pawang kaklase ni Sinas ang nakaupo rito.

Nakatakdang magretiro si Sinas sa darating na Mayo 2021.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.