Bangkay ng babaeng sunog ang mukha natagpuan sa CamSur

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2019 03:45 PM

Natagpuan nitong madaling araw ng Lunes sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur ang bangkay ng isang babaeng sinunog ang mukha.

Walang pang-ibabang saplot at bra na lang ang suot ng babae nang makita siya sa gilid ng kalsada sa Barangay Patitinan ng dumadaang motorista, na nag-report sa mga awtoridad.

Hinala ng mga awtoridad ay binaril din ang biktima matapos marekober malapit sa bangkay ang basyo ng hindi pa natutukoy na kalibre ng baril.

Isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay, at nagkasa na ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng babae at ang mga responsable sa krimen.

Bineberipika rin ng mga awtoridad kung ang natagpuang bangkay ay sa isang babae mula sa bayan ng Tigaon na naiulat na nawawala.

-- Ulat ni Rizza Mostar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.