Lalaki sugatan matapos masabugan ng granada sa Manila

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2019 09:35 PM | Updated as of Sep 15 2019 06:21 PM

MANILA (UPDATE)—Sugatan ang isang lalaki matapos pasabugan ng granada ang isang food stall sa Barangay San Miguel sa lungsod na ito Sabado.

Dinala sa ospital ang biktima na si Macario Tinio matapos tamaan ang kainan sa kanto ng Concepcion Aguila.

Ayon sa pulisya, isang hindi pa nakikilalang lalaki na lulan ng motorsiklo ang naghagis ng hindi pa natukoy na pampasabog.

Watch more in iWantTFC

Sa kuha ng CCTV, kita ang suspek na nag-abang sa kalapit na tulay bago siya dumiretso at mabilis na inihagis ang granada sa kainan.

Kita ang pagsabog sa video na bumasag sa glass panel, pintuan, at kisame ng establisimiyento.

Nakatanggap umano ang may-ari ng kainan ng liham na may nakasulat na "TNT" bago ang pagsabog.

Ayon sa may-ari na tumangging magpakilala, ilang linggo ang nakararaan nang binato sila ng martilyo.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon. - Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.