Sunog sumiklab sa nakadaong na barko sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Sep 03 2019 01:55 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kuha ni Rigil Kent Ontal Labrador

LEYTE—Sumiklab ang sunog sa nakadaong na barko sa Baybay City, Leyte Lunes ng umaga.

Ayon sa Coast Guard Sub-Station Baybay, nagsimula ang apoy alas-11:20 ng umaga sa engine room ng M/V Jacquelyn Star ng Roble Shipping Company.

Agad na rumesponde ang Baybay Fire Station kaya hindi na lumaki ang apoy. 

Wala namang pasahero ang barko nang mangyari ang sunog at wala ring naiulat na nasugatan, dagdag ng Coast Guard Sub-Station Baybay.

Pansamantala munang kinansela ang biyahe ng barko na patungong Cebu City habang iniimbestigahan ang insidente.—Ulat ni Sharon Evite, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.