Barko tumagilid sa Cebu; 4 sugatan

Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2019 06:56 PM

Courtesy of PCG-Cebu

Tumagilid ang isang barko matapos ito mawalan sa balanse sa isang pantalan sa San Franciso, Camotes Islands sa Cebu nitong Sabado.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagbababa ng mga kargamento ang M/V Mika Mari 8 na pagmamay-ari ng Jomalia Shipping Corporation bago ito tumagilid.

Nailigtas naman ang 149 na pasahero at 18 crew ng barko habang dinala sa ospital ang 4 na pasaherong nasugatan sa aksidente.

Binigyan ng PCG ng isang araw ang kapitan ng barko upang makapagsubmit ng marine protest.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.