Lockdown sa palengke ng Guagua, Pampanga, extended hanggang Sept. 1

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2020 05:29 AM | Updated as of Aug 27 2020 06:21 AM

Kuha ng Pampanga PIO

GUAGUA, Pampanga - Muling inextend nitong Miyerkoles ang lockdown sa Guagua Public Market hanggang Sept. 1 para masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili sa bayan.

Ito'y matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang tindero at isang kawani ng palengke.

Kamakailan ay nagsagawa ang mga awtoridad ng contract-tracing sa lahat ng nakasalamuha ng mga nagpositibo sa palengke.

Nagsagawa din ng disinfection sa buong Guagua Public Market na pinangunahan ng general services office (GSO).--Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.